Bohol Trip Day 1 - Ang Pagdating!
Tagbilaran Airport! Halos 11AM na kami nakarating sa airport at ayos! Isang matinding sikat ng araw ang sumalubong sa amin kasabay ng pagsalubong ng mga tricycle driver, taxi driver, van rental at mga nagtitinda ng pasalubong. Sabagay normal na ito sa mga tourist spot dito sa Pilipinas. Agad na kaming pumili ng masasakyan bago pa mag away away ang mga driver dun... at ang nanalo sa biding ay si Manong Tricycle driver sa halagang 250 pesos! Makalipas ang isang matagtag na oras ay nakarating din kami sa aming pags-stay-an, ang Paragayo Resort. (See: Lakwatsa101 Review: Paragayo Resort)
Ibinaba lang namin ang aming gamit sa resort at naghanda sa sunod naming pupuntahan ang Panglao Island Nature Resort and Spa. Sabi ng aming itinerary e mag day tour daw kami dun.. sumang ayon din si budget! buti na lang good listener ako. Sakay ng isa pang tricycle ay tumungo na kami sa aming pupuntahan. Another 1hour na naman ang lumipas at nakarating na kami sa lugar. Maganda ang place, malinis at masasabi talagang "High End" isama mo pa ang mga staff na kahit nakaupo ka lang e gusto ka nilang kuhaan ng picture. Ayos din ang rate ng day tour nila dito Php 450.00 ang entrance fee (consumable) plus the amenities like infinity pool at man-made island. (See: Lakwatsa101 Review: Panglao Island Nature Resort & Spa)
Around 7pm na din kami nakabalik ng alona beach. Dinner time at naglakad lakad kami para humanap ng makakainan. Halos pare-pareho din ang tema ng mga kainan dito, katulad ng sa Puerto Galera at ng Boracay (sa density na lang ng tao nagkakatalo). Ang isa pang napansin namin dito ay mas marami ang mga foreigners kesa sa mga local tourist as in literal na kahit san ka tumingin ay may foreigner kang makikita. Sa wakas ay nakapili na kami ng kakainan, as usual sea food ang ulam pero pambihira! Hindi masarap!!! at ang mahal pa!!! (dahil sa dumadami na ang exclamation mark sa bawat pangungusap ng author ay minabuti na naming putulin ang kanyang kwento at ipag patuloy na lang bukas)
NEXT: Bohol Trip Part 2 - Country Tour
CONTACTS:
Paragayo Resort
http://www.paragayoresort-panglao.com/ppc/
Cost: Php 1500.00 per Night
Panglao Island Nature Resorts and Spa
http://www.panglaoisland.com
Day Tour: Php 450.00