Bohol Trip Day 3 - Sea Tour!
Day
3, Ginising kami ng Itinerary para mag SEA TOUR! Nakuha namin ang tour
na to dito na din mismo sa area ng Paragayo Resort. Sa halagang Php
1500.00 para sa half-day sea tour ay maituturing nang sulit! Free na
din ang snorkeling gear!
|
|
6AM kami umalis sa alona beach
para daw makita namin ang mga dolphin dahil sa umaga lang sila
nagpapakitang gilas! Malayo pa lang kami ay nakikita ko na kung san kami
pupunta. Isang lupon (oo lupon!) ng mga turista na sa tantya ko ay
nasa 15-20 bangka! Sa una ay natutuwa ako dahil first time ko nga naman
nakakita ng mga dolphin na sabay sabay lumalangoy at tumatalon. Pero
pagkalipas ng ilang minuto ay nakaramdam ako ng awa sa mga dolphins. Ang
dolphin watching ay naging dolphin chasing! Sa kagustuhan ng mga
turista (kasama na ang bangka namin) na makalapit sa mga dolphin ay
papaharurutin (kalyeng kalye words ko ah) ang mga bangka papunta sa
grupo ng mga dolphins. Isipin mo na lang ang ingay na naririnig nila
underwater. Kung ikukumpara ito ay parang kagigising mo lang nang
biglang may nagjackhammer sa tabi ng bahay mo!
|
Balicasag Island |
|
Wala pang isang oras ay
umalis na kami sa lugar ng habulan at pumunta na sa next site, ang
Balicasag Island. Matapos mag almusal ay nagpahanda na kami ng pagkain
para sa aming tanghaliann para pagkatapos ng snorkeling e kain na ulet!
(Sarap ng buhay). Ilang metro lang mula sa shoreline ng balicasag
island ang snorkeling site. Buhay na buhay ang yamang dagat sa islang
ito, makukulay na isda na may ibat ibang laki. Talagang totoo ang kasabihang "maraming isda sa dagat". Dala ang aking digicam na
may dicapac (parang zip lock ng camera hehhe) ay nilusong ko ang hanggang dibdib na tubig at kinunan ko sila
habang pinapakain ng sky flakes! Heto nang brake nyo.. kagatin nyo!
|
Wag malungkot...Maraming isda sa dagat! |
Matapos ang lagpas isang oras na pagbabad at pag inom ng tubig dagat ay bumalik na kami para
kumain ng brunch at dumiretso sa next na destination ang vigin island..... (nakaka excite)
|
Virgin Island |
Virgin
Island. Kaya pala ganto ang tawag dahil walang taong nakatira dito.
Malinis ang isla, malawak at puting puti ang buhangin. Matapos maglibot
e nag aya na kaming mag uwian. Wala din kasing masyadong gagawin ditto
maliban sa pagkain ng mga fresh Sea Urchins!
|
Sea urchins, Alive and kicking! (pricking?) |
Matapos ako matusok ng sea urchin ay panahon na para gumanti! Ginawa
syang coconut ni ateng tindera, biniyak sa gitna, kinayod ang laman,
konting suka at voila!!! Kadiri na sya!
|
Instant sea urchin meal na mukang sputum (Medical term para di masyadong kadiri) |
|
Pasado alas dose na ng natapos ang aming mainit na sea tour. Kahit saglit lang e masasabi ko namang enjoy ang nasabing tour!
Contacts:
Cost: Banka (upto 10 persons) - Php 1500
Snorkeling (rental ng maliit na bangka + water shoes) - Php 250.00 each
*water shoes is optional pero I suggest na magsuot dahil sa matatalas na corals
Tour Duration: 6AM - 12PM
NEXT:
Bohol Trip Part 4 - Itinerary
No comments:
Post a Comment