Pages

Tuesday, October 4, 2011

Bohol Trip - Part 2

Bohol Trip Day 2 - Country Tour! 

Ayon sa aming itinerary ay kailangan namin gumising ng 5AM dahil naka schedule kaming  mag country tour sa ganap na 6 ng umaga. Sa kagustuhan ko man ikwento ang bawat hakbang para  bawat hininga't utot namin ay alam nyo pero kinukulang na ako sa letra. Anyway  sabi nga nila "A Picture is worth a thousand words"! (Pero palusot ko lang talaga yan)

Country Tour:

1. Blood Compact Shrine - sabi ng guide namin di naman daw talaga dun ginawa yung blood  compact. Sabagay wala din naman akong dugo na natagpuan sa lugar ng pangyayari (boses Gus  Abelgas).
Deadma lang yung mga nag iinuman sa likod.

2. Baclayon Church - Isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas pero isa na syang Museum  pwede ko bang sabihing isa sa pinakamatandang museum?! hehehe). Sa mga naka-skirt, sleeveless at two-piece na papasok dito ay bibigyan kayo ng balabal para takpan ang dapat takpan tulad ng  muka.

Hanapin ang isang misteryosong imahe

3. Chocolate Hills - Sino bang di nakaka alam sa chocolate hills? Bata palang ako pangarap ko  nang kainin to.  Minsan nga nag landslide dito tapos natabunan yung mga palayan.... and then  POOOF!! It became KOKOKRANTS!!!
Viewing deck, Chocolate Hill na sementado (Rocky Road)


4. Butterfly Garden - Madaming butterflies! Mga kabataan ang local tourist guide nila dito at fluent sila mag english!
Butterflies and Fairies?

Parental Guidance


5. Hanging Bridge(s) - Hanging Bridge(s) na papunta sa souvenir shops at Buko King na nagpapabayad sa bawat buko na babalatan nya! hahaha


6. Man-made Forest - Ilang ektaryang tree planting project. Ginawa daw ito para maiwasan ang  landslide.
Blurred shot ng man made forest (Maiba lang)

7. Loboc River/Cruise - Buffet sa bangka! Isa ito sa mga highlight ng aming tour (kasi madaming  pagkain). Isa sa mga dapat di palagpasin pagdating sa Bohol :D Maraming klase ng river cruise dito. May kanya kanyang specialty ang bawat isa at syempre iba iba din ang presyo. Dinala kami ng guide sa River Watch kung saan filipino food ang kanilang inihahanda.

View from River Watch
Floating restaurant powered by mumunting bangka sa likod.
Food!!!!!

View of Loboc River from River Watch
Falls, U-Turn slot para sa mga floating restaurant hehehe


On-board entertainment

Local performers along riverside

 8. Tarsier Sanctuary - Since di pa gabi nung pumunta kami dito ay tulog ang mga mumunting  tarsiers.  Buti na lang na meron mangilan ngilan na "nagpupuyat" para makipagbonding (sino nagsabing di sila  pwede magpuyat sa umaga?). Note: Please lang wag paki-off ang flash ng inyong mga kamera kapag  kukunan sila unless magpoprovide kayo ng rayban shades
Sinong puyat?? Diba Yoda?

Baby Tarsier! Anyone?!?

 9. Prony the Python - Isang malaking sawa. Actually para itong mini zoo dahil meron ding mga ibang hayop like ibon, unggoy, pagong at isang exotic na nilalang (see image below: the songbird) Sya nga pala, dito din nakakabili ng murang PEANUT KISSES!  Factory price ika nga.
Trained python daw. Baka kaya nya mag sit, roll at shake hands!?
Ayaw lumapit sakin ni Prony. Takot sya sakin siguro.

Lawin
Flying Lemur. Pero ngaun eating lemur muna sya.

Ang kanilang main attraction. The Asia's Songbird daw. Walang dapat ikatakot tulad ni Prony  e trained din yan.
 10. Hinagdanganan Cave - Pinagshootingan daw ito ni FPJ. Buti na lang di ko sya nakita nung mga  oras na yun. Sa gitna ng Hinagdanganan Cave ay may tubig na pwedeng pagliguan.

Stalactite.
Alam ko iniisip mo!? Tama! Stalactite din yan.
Work of art nung mga sinaunang taong tumira sa kweba.
 11. Bee Farm - Sa di inaasahang pagkakataon e sarado daw ang kanilang tour! Sayang di ko tuloy  natry ang kanilang flower salad! Kaya bumagsak ako sa isa pang weirdong pagkain.. ang GINGER  ICE CREAM! Di ko alam kung para sa mga singers to.. para habang kumakain sila ng malamig e  gumaganda ang kanilang boses. Pwede ding mag stay dito for more info please check their site. http://www.boholbeefarm.com/
Mas maganda yung panagalan nila sa labas kaso di ko napiktyuran. Anong say ni Jollibee?!
Dinning Area (pero table lang yung nasa picture)

Indoor Pool
Bulaklak (Obvious ba?)
Ginger Ice Cream!! (Alam nyo na bakit ganyan itsura ko)

Contacts: Tatsky - SOBRANG BAIT!!
Cost : Php 1800.00 for 10 sites (samin 11 :p)
Time: 6AM - 6PM
Ang aming service car!


NEXT:   Bohol Trip Part 3 - Sea Tour

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. http://4.bp.blogspot.com/-ckvW9nWUdFs/To58tuDU1WI/AAAAAAAAAGU/Jw_NV7Rq6io/s1600/IMG_6282.JPG - di kaya graffiti lang to? Nacurious lang ako. Anyhoo, wagi. Keep blogging!

    ReplyDelete
  3. JAVA303 Casino Login - Online gaming at JVMshub
    Jun 12, 2018 · 1 천안 출장마사지 post · 1 전라북도 출장마사지 authorLogin 포천 출장안마 jVMshub. Online gaming at 강릉 출장마사지 JVMshub. JVMshub. JVMsHub. Online gaming 안양 출장마사지 at JVMshub.

    ReplyDelete