Pages

Tuesday, October 4, 2011

Bohol Trip - Part 1

January 2011 - As part of our month long anniversary celebration (month long dahil di namin alam ang eksatong date) ay napili naming gumala sa uhmm medyo malayo. Actually our first option e sa Palawan ngunit dinala kami ng Air Philippines sa Bohol (tama! ang seat sale ang nagdedecide ng mga lakwatsa). Its a 4 Days-3 Nights vacation, gamit ang itinerary ng aking dating officemate ay  tumulak na kami papuntang Bohol.

Bohol Trip Day 1 - Ang Pagdating!

Tagbilaran Airport! Halos 11AM na kami nakarating sa airport at ayos! Isang  matinding sikat ng araw ang sumalubong sa amin kasabay ng pagsalubong ng mga tricycle driver,  taxi driver, van rental at mga nagtitinda ng pasalubong. Sabagay normal na ito sa mga tourist  spot dito sa Pilipinas. Agad na kaming pumili ng masasakyan bago pa mag away away ang mga  driver dun... at ang nanalo sa biding ay si Manong Tricycle driver sa halagang 250 pesos!  Makalipas ang isang matagtag na oras ay nakarating din kami sa aming pags-stay-an, ang Paragayo Resort. (See: Lakwatsa101 Review: Paragayo Resort)



Ibinaba lang namin ang aming gamit sa resort at naghanda sa sunod naming pupuntahan ang Panglao  Island Nature Resort and Spa. Sabi ng aming itinerary e mag day tour daw  kami dun.. sumang ayon din si budget! buti na lang good listener ako. Sakay ng isa pang  tricycle ay tumungo na kami sa aming pupuntahan. Another 1hour na naman ang lumipas at nakarating na kami sa lugar. Maganda ang place, malinis at masasabi talagang "High End" isama mo pa  ang mga staff na kahit nakaupo ka lang e gusto ka nilang kuhaan ng picture. Ayos din ang rate  ng day tour nila dito Php 450.00 ang entrance fee (consumable) plus the amenities like infinity  pool at man-made island. (See: Lakwatsa101 Review: Panglao Island Nature Resort & Spa)



Around 7pm na din kami nakabalik ng alona beach. Dinner time at naglakad lakad kami para humanap ng makakainan. Halos pare-pareho din ang tema ng mga kainan dito, katulad ng sa Puerto Galera at ng Boracay (sa density na lang ng tao nagkakatalo). Ang isa pang napansin namin dito  ay mas marami ang mga foreigners kesa sa mga local tourist as in literal na kahit san ka  tumingin ay may foreigner kang makikita. Sa wakas ay nakapili na kami ng kakainan, as usual sea  food ang ulam pero pambihira! Hindi masarap!!! at ang mahal pa!!! (dahil sa dumadami na ang  exclamation mark sa bawat pangungusap ng author ay minabuti na naming putulin ang kanyang  kwento at ipag patuloy na lang bukas)

NEXT:   Bohol Trip Part 2 - Country Tour

CONTACTS:
Paragayo Resort
http://www.paragayoresort-panglao.com/ppc/
Cost: Php 1500.00 per Night

Panglao Island Nature Resorts and Spa
http://www.panglaoisland.com
Day Tour: Php 450.00

No comments:

Post a Comment