Friday, Oct 1, 2010…. Ito ang date kung kailan ko unang ginawa ang blog site na ito. Oct 1, 2010!? Teka September 12, 2011 na ngayun ah?
Ganyan ako ka terible kung pagsusulat ang paguusapan. It took me a year para lang magawa ang kaunaunahang article ko (Actually ginagawa palang). Di ko nga alam bakit ko kelangan gawin to e. Simula pa nung elementary e takot na ko sa pagsusulat at essay. Oras na magsalita ang titser ko ng “Class, get a one whole sheet of paper and write an essay about your summer vacation.” Eto na nga, kaya ayokong nagsisimula ang klase dahil sa mga gantong bagay. At natapos na ang oras na halos dalawang paragraphs lang ang naisulat ko (pasalamat ako walang minimum number of words kundi ilang beses ko bibilangin ang “ang, at, na, kung, sa, ah, eh, uhm at madami pang two to three-letter word na di pupwede sa larong scrabble ”). Sakto! I got one shit of paper!
Sabi ko sa sarili ko nun, “Bakit ko ba kelangang ikwento mga pinag gagawa ko?”. Kaya eto fifteen years later nagtatanong pa din ako! E bakit nga ba kelangan ko magkwento? Kasi gusto kong ishare mga pinaggagawa ko sa buhay buhay? Kasi may isang kaibigang pinipilit ako mag blog? Kasi gusto kong ipagsigawan na nanakarating ako sa gantong mga lugar? Hmmm… parang oo mga sagot dun ah? At dahil dyan isisilang ang LAKWATSA101 blog ko!
Pagkatapos ng mahabang pasakalye ay dumating din ang tunay na layunin ng post na ito. Ito ay ang i-introduce ang aking budget-friendly-do-it-your-own-travel-adventure-guide-blog-site (hingal). Dito ay magkkwento ako ng aking munting paglalakbay, magbabahagi ng mga opinyon sa buhay buhay (pati na din siguro buhay ng iba) at kung paano i-enjoy ang outdoors sa pinakamurang paraan :D
Simulan na natin ang lakwatsa!
nakita ko naaaa! hahaha! tapos na ba to? pwede na magcomment? >:p
ReplyDeleteYup tapos na yan.. Introduction pa lang kasi yan... hehehe
ReplyDelete